Filipino : Wika ng Saliksik


Filipino ang ating pambansang wika. Ito ay ginagamit natin sa lahat ng sulok ng Pilipinas. Nabibigkis ito sa lahat ng mamamayan upang maging isa sa pangarap , diwa at adhikain.
Ang wika ng paraaan upang masabi ang nasa isip at maipadama ang damdamin lalim ng pagkatao , katangian ng kapaligiran , kultura at sining . Naibahagi rin ang ating opinyon at obserbasyon sa komunidad .
Sa taong ito, naging tema ang Filipino : Wika ng Saliksik dahil sa kagustuhang palaganapin ang wikang Filipino sa iba't ibang larangan ng karunungan lalo na sa agham at matematika.
Habang lumalago ang kaalaman sa agham at matematika kailangan din lumago ang Wikang Filipino sa pagsusulat ng mga salita at pangungusap. Pwede rin gamitin ito sa mga blog o website. Gayundin sa pagtuturo sa mga estudyante.
Sa ganitong paraan nagagamit at naitatala sa libro, pahayagan, internet ang mga nasaliksik na kaalaman at maipapasa sa mga babasa na mga susunod na henerasyon. Magiging boses ang wikang Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman sa lahat ng tao saan man sulok ng mundo.

Comments

  1. saludo ako sa mga sinabi mo dahil talagang alam mo ang kahalagahan ng wika para sa ating mga pilipino at sa ating bansa

    ReplyDelete
  2. Napakaganda ng nilalaman ng iyong artikulo:)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Philippine Independence Day : Worth Remembering For

Victory : The Product of Patience and Determination

A Season With a Precious Reason